Mula sa aking mga nagmumugtong mga mata. Huli na yata tong blog entry na to, na aking naisulat at naitago sa loob ng aking mga dokumento, ngunit nakaligtaan ko namang ibahagi sa blog site na 'to.. Marahil eto na, ang sakit. Patuloy parin akong nasasaktan. Pero minsan, di ko na mapigilan ang aking sarili, tumutulo nalang bigla bigla ang aking mga luha, at hindi na titigil pa. Hanggang sa ako'y makatulog na, at abutin na nang pagsikat ng haring araw..
Ni minsan, hindi ko ginusto na magsayang ng luha para sa mga bagay na hindi ko gustong maranasan. Kaso ganun talaga ee. Hindi maiwasan.
Ang daming nagbago. Dati pati password ng Facebook hinihingi pa nya sakin. Ewan ko ba, ang weird lang kasi. Bakit kailangan ko pang ipaalam sa kanya? Bakit kasi hinihingi pa? Bakit ipinagpipilitan pa? Pero ngayon, parang pati ibang tao mas lalo nang naguguluhan. Hindi ko na maintindihan kung ano na ba talaga ang meron sa aming dalawa. Hindi ko na nakikita yung relationship status na pinangarap ko para sa aming dalawa, ang dami naman kasing kontrabida sa buhay ko. Bakit ba ayaw nila para sakanya sa akin? Eh, mahal ko nama siya. Mahal din naman nya ako? Bakit hindi pwedeng maging kami? Dati, gabi-gabi laging may message nya sa wall mo. Ngayon, hindi na talaga pwede. Kahit sa twitter, hanggang DM nalang. Ayoko na kasi ng issue pa. Ayokong mapag-usapan. At mas lalong higit, ayokong mawalan ng kaibigan. Parang kailan lang, ang sarap sa pakiramdam. Pero habang tumatagal, parang nag-iiba.
Marami nagbago. Kaya nga mas lalo na akong nahihirapan e. Pero wala kang magagawa kundi tanggapin yung pagbabago nya kasi lagi kang umaasa na paggising mo masaya ka na ulit..Parang noon lang. Pero kung tutuusin, masaya naman talaga sa piling nya diba? Dahil hindi mo nararamdaman yung bagay na yon sa iba. At sa kanya mo hinahanap yung bagay na gusto mong maramdaman; sa kanya ka nangungulila.
Alam ko na asset ko yung mga mata ko. Pero ito pangalawang namamatay kasunod ng puso ko. Nakakapagod pero sya pa rin ang pinipili ko.
No comments:
Post a Comment