Tuesday, November 2, 2010

ANG SAKIT SA BANGS, TRY MO!

Nagkaroon na naman ng pagkakataong umupo sa harap ng kompyuter, at eto na naman ako. Nag-iisip at bigla na lamang napaisip. Bigla ko tuloy naitanong sa aking sarili, "Tama nga ba 'tong ginagawa ko?" Sige na, tutal hindi naman iba ang aking mga tiga-sunod dito sa Tumblr site na ito, ibahahagi ko na ng tuluyan kung ano nga ba 'tong problemang aking dinaranas sa pangkasalukuyan. Hindi naman siguro masama kung buhay pag-ibig muna. Hindi ba? Dahil panigurado, sa isang linggo laos na sa akin tong usaping 'to. Bago pa kasi magbakasyon, medyo naguguluhan na yung isip ko. Sino ba kasi sa kanila ang nararapat kong pagtuunan ng pansin? :>

Subject 1: Si Mister Political Science na nasa katabi lang naming classroom. Madalas kaming magkita, pero madalang namang mag-usap.

Subject 2: Si Mister Four-eyes na ewan ko ba kung bakit ganito.. Masyadong loyal. Sinabi ko nang ayoko. Patuloy parin siya. Nakakainis. Ang kulit na kaya.

Subject 3: Si Mister Physical Education-mate na hay nako. Kailangan pa bang idescribe? Basta "tiny" ang liit kasi. Hahaha. At grabe naman, nareplyan mo lang ng isang besese, masyado ng FC.

Subject 4: Si Mister DOTA Man na kaklase nung kaklase ko ngayon. Sa mga sinasabi niya, mukha naman siyang sincere. Pero, hindi ko yata siya type e. Pasensya naman.

Subject 5: Si Mister COUNT-YOUR-EX-TIL-YOU-DROP, na kagaya nga ng nasa description, nagkakasundo kami sa maraming bagay. Pero the fact na, ganun siya. Parang nakakahesitate. Di ba?

Subject 6: Si Mister Pasalubong ng Bayan- DD, na okay naman. Masaya ko pag kausap siya, marami naring secrets akong nai-share na sakanya. Pero, parang parehas pa kaming wala sa sarili. In short, may unfinished businesses pa.

Subject 7: Si Mister Kind, Tall and Dark, di pa sinabing handsome di ba? Ang yabang mo naman 'Pre. Hahaha. Sa totoo lang, nararamdaman ko.. Siya yung may pinaka potential. :) Sobrang sweet and thoughtful. Nakooo. See you sa Pasukan! :)

Ayan. So, siguro naman gets mo na yung problema ko di ba? Pero for sure, nitong sem break lang ako mamomroblema, kasi next week. Pasukan na. Mawawalan na naman ako panahon para sa ganitong engagement. Ginugulo lang kasi nito yung isip ko e. Nakakainis. Lalo na kong hindi makatulog sa gabi. I need some expert advise sana. :>

No comments:

Post a Comment