Sunday, May 13, 2012

"Yung pagmamahal ko sa'yo, kasing lalim at kasing bughaw ng karagatan."

May 14, 2012
Monday. 2:17pm.
Monday Sickness, Missed out half-priced Frappe today.
"Kung tatanungin mo ko kung mahal kita, parang tinanong mo na rin kung kulay blue ang langit. Obvious na obvious kaya. Mahal na mahal kita."


Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.

Kaya, didiretsuhin na kita, para di na maging mas lalo pang kumplikado ang mga bagay bagay.. Mahal kita. Mahal na mahal. Sana naman, maramdaman mo na. Sabi ko nga, walang taong manhid.

OMG. Ang pag-ibig talaga, buwis buhay. Magulo, kumplikado. Masyadong maraming rekutetos. Sobrang hirap, ang daming pasikut sikot, ewan ko ba. Pinapagulo lang naman ng mga taong nakapaligid yan, kasi pwede namang padalian ang mga bagay bagay, pero mas pinipili parin natin yung magulo, at yung mas mahirap. Pwede mo namang aminin di ba, at sabihin sakanyang MAHAL MO SIYA. Oo, Mahal ko siya.

Pero.. Hindi nga pala ganun kadali yun. Kailangan mo pang subukan ang pinakamasikip at pinakamaliit na pamamaraan upang makapasok sa puso ng taong minamahal mo. Oo, pwede mong subukan ng paulit ulit, pero wala kang karapatang magreklamo, kasi nga.. Ginusto mo yan. Ginusto mong maghirap, ginusto mong maghirapan.. Pero ang pinaka fulfilling sa lahat, alam mo kung ano? Oh. Edi syempre, yung nagmahal ka. Nagmamahal ka. Naghihirap ka at nasasaktan ka nang dahil sa MAHAL MO SIYA. Hindi lang dahil sa walang kwentang bagay, at least may sense yung sakripisyo't hirap mo. Look at the brighter side, ika nga nila.

Kung tutuusin, mahirap para sakin. Kasi ako yung babae. Mahirap lumugar, ang hirap ilugar ng sarili ko. Sa ngayon kasi, nasa PSEUDO RELATIONSHIP ako e. Di ako pwedeng mag-aasume, di ako pwedeng magreklamo, kasi.. Hindi naman kami. Talo na nga yata ako e, kasi.. Parang mahal ko na. Oo, inaamin ko MAHAL KO NA SIYA. Pero, di ko kaya. At di ko magawang maamin sa taong mahal ko na mahal ko na nga ulit siya. Kumplikado. Parang cycle lang talaga, eto ang ayoko sa lahat e. Yung uulit na naman kayo sa simula. Bagong pagkilala sa isa't isa, bagong pagbuo ng pundasyon ng relasyon. Bagong pagpapakilala sa magulang, sa pamilya, sa kaibigan. Lahat nalang bago. Ang hirap, nakakapagod din pala. Sana isa nalang. Isang hirap nalang. Hay, kaya nga't nag-aaim akong makita ko na yung taong nakalaan para sa kin e. Nahihirapan narin naman kasi ako ng papalit palit.

Lalo pa ngayon, inuulit ko. Talo na yata ako. Nainlove ako e. Kahit alam kong.. Hindi pwede. Hindi maaari. Tapos na ko dito e. Pinagdaanan ko na 'to. Nakamove on na ko. Pero, kahit higit dalawang taon na pala ang nakakalipas, mahal ko parin siya. Nawala man noon, pero.. Nagbabalik talaga e. Kahit anong gawin ko, di ko siya magawang kalimutan, marahil siguro.. Hindi ko naramdaman ng buong buo yung pagmamahal na hinahanap ko mula sakanya. Pero, iba naman kasi yung nakaraan sa ngayon e. Masyado pa kaming bata noon, para magseryoso, iba na ngayon. Matured na kami parehas, alam na namin yung gusto namin.. Oo, kahit kanino ko itanong, kahit sa sarili ko, ramdam na ramdam ko. Ramdam ko namang SPECIAL ako sakanya, at ganun din naman siya sa kin. Di nga lang yata special, kasi nga.. Mahal ko na.

Siya yung pinakamalapit na lalaking kaibigan ko sa ngayon. Sa puso. Sana, di na magbago. Sana manatili nalang kaming ganito, hangga't di pa namin alam yung tunay na gusto at priorities namin sa buhay. Alam kong hindi ganun kadali ang magbalikan kami.. Kasi nga, matagal na kaming tapos, pero naisip ko rin.. Hindi rin naman ganun kadaling itago yung nararamdaman namin para sa isa't isa. Kahit anong tago pa yung gawin namin, nagiging halata din naman e. Nung gabing yun, kung paano niya ako titigan, kung paano siya mag-alala sakin. Kung paano niya ko niyakap....

Oo, niyakap niya ako. Sa harap ng mga magulang niya at magulang ko. Sa harap ng gate namin. Ramdam na ramdam ko yung init ng pagmamahal, yung pangungulila namin sa isa't isa. Siguro, kung simpleng kaibigan ko lang naman siya, di ako makakaramdam ng parang kuryente sa katawan ko di ba? Di rin niya ako yayakapin ng ganon ganon. Walang paalam. Nagulat nalang ako nung pagkababa ko ng kotse, bumaba din siya para yakapin ako. Di ko alam kung siya ba talaga yung may kaarawan nung gabing yun, kasi ang pakiramdam ko.. Ako e.

Dumating na kasi sa puntong, naramdaman ko yung kuryenteng dumadaloy sa puso't katawan ko. Nabuhayan na naman ako. Naniniwala. Nananalig na siya na. SIYA NA YUNG PARA SAKIN. Marahil nga siguro, ayaw lang naming tanggapin sa isa't isa na kami na yung para nga sa isa't isa, kasi mahirap paniwalaan na KAMI. Kami na noon pa, pero pinakawalan namin yung isa't isa..

Hindi ko alam. Naguguluhan na naman ako. Pero, isa lang ang alam ko. Siya yung gusto ko. Siya yung mahal ko. Isa lang din naman yung importante, at least.. Single din siya, kagaya ko. Wala akong someone, wala siyang someone, ang meron lang... YOU AND ME. Pero wala pang US. Wala pang umaamin e. Haha. Masaya naman, ineenjoy ko lang yung friendship namin. Ang sarap sa pakiramdam, parang mas okay pa nga kaming ganito e. Kung sana noon... Hindi kami nagmadali, ode sana, okay kami ngayon. Pero, wala naman akong pinagsisisihan sa nakaraan, pwede naman kaming bumuo ng panibagong pag-iibigan kung gugustuhin lang namin e.

It's just that.. We both don't know what we want this time. Hindi niya alam, at mas lalong di ko rin alam kung ano din ba ang gusto ko sa ngayon. GUSTO KITA. MAHAL KITA. Wag mo nang tanungin kung bakit, di naman kasi nagbago e. Lumalim pa nga lalo simula nung naghiwalay tayo. Sana dumating na yung panahong hinihintay ko..

Pag dumating yung time na yun, wala na sigurong mas sasaya pa sa akin. Kasi alam kong.. Ikaw yung happiness ko. Ikaw yung matagal ko nang hinihintay. :) "Yung pagmamahal ko sa'yo, kasing lalim at kasing bughaw ng karagatan."

No comments:

Post a Comment