April 14, 2012
I just want to experience a "perfect summer fling". ♥
JM: Di ba naexperience mo na yan, 2 years ago?
Me: Huh?
JM: Nothing.
Ayy, grabe ba yung status ko? Well, di naman ako naghahanap ng summer fling exactly, yung tipong mag-eend din once nag-start na ulit ang semester, haha, pero kasi naman, every summer lang ako nakakaexperience ng bonggang pagka inlove. :) Damn, kaya pala nagcomment ng ganun si ex. Ewan uh, tapos biglang delete, lately, napapansin ko, sobrang bait ko na pala talaga, walang halong kasamaan na yung pagtingin ko sakanya. Oh, 14 pala ngayon. Nawala sa isip ko yun uh, grabe? :)) Ganito na kasaya ang mga happenings sa buhay ko, nawala na lahat ng bitterness na nararamdaman ko, at masayang masaya nako ngayon for him? Wow, congratulations to me. Exactly 3 months, well. Happy Independence, 14th month na pala dapat namin today. Cool. :)
Anyway, speaking of which, happy ako for JM, for passing his retention exam. I knew naman he could make it e. Matalino naman talaga siya, yun nga lang, minsan tamad. Haha. Well, kahit papano naman, proud ako sakanya, the reason why I congratulated him, yun nga lang, ang dami pang sinabi, instead of just simply saying "thanks". Iba talaga takbo ng utak ng lalaking yun e. Uh, moving on. I have a deal with someone, I have to keep him posted sa "Summer Love" ko. Grabe lang, nahiya naman ako, so kailangang magreact violently, big deal na agad? Di ba pwedeng gusto ko lang, at trip ko lang talagang magstatus ng ganun? Dami namang nagrereact. Haha. (Teka, bakit ba nagrereact ng ganito mga kaibigan kong lalaki?)
Overacting lang, wag niyo nga akong pakialam. "Seriously, I don't care. Care ko ba?" Ugh, kunwari, deadma lang ako sa nararamdaman ko for my "Summer Love" right now, pero di rin talaga e, naghuhumiyaw. "Uy, di lang kita basta simpleng bestfriend, in love na yata ako sa'yo. Pwede bang mahalin ulit kita?" Hay nako naman, kung pwede lang talaga, pero bigla kong narealize, may GIRL PRINCIPLES, at di ko pwedeng baliin ang mga prinsipyong yun dahil gustong sirain ng damdamin ko. Kaya pa namang pigilan e. Carry pa naman, lol. Back up nalang sana kapag di ko na talaga kaya. :) Pero sana, saluhin mo ko uh, wag mo kong hahayang mafall lang sa wala, tapos wala ka naman palang balak na saluhin ako, kung pwede lang.. Wag nang magpaasa. Sabi nga, "Walang aasa, kung walang nagpapaasa."
"SILENCE MAY SOMETIMES SEND CHILLS"."Walang aasa, kung walang nagpapaasa." Ugh, but your silence's slowly killing me, it's deafening me, and breaking me into pieces. "Where are you? You're again out of my sight, again out of reach." You're so near, yet so far. Paulit ulit na late at night realization ko, "Hanggang saan at hanggang kailan nga kaya?" Hello, it's Summer. Oo, summer na po. Baka gusto niyo na pong gumawa ng paraan. Pero, bakit hanggang ngayon, sobrang bagal mo parin? So ganyan, confident ka noh, di ka natatakot na may makakaabenta sa'yo, kasi.. Alam mong mahal na mahal kita? Ganun ba 'yun? Oh well, ganun na nga siguro. Pero sana naman, 'wag pakasiguro. Malay mo isang araw, magbago bigla ihip ng hangin. (Pero, wag naman sana)
But I'll stay through whatever. Promise, pangako ko yan, taga mo pa sa bato. Hangga't di pa ko nakakagraduate ng College, I'll stay single, and remain loyal to you, loving you. Maghihintay talaga ako, kahit walang definite time kung kelan ka babalik ng totoo :) well, at least, sa ngayon, ang alam ko, at ang pinagsisigawan ng puso ko.. "Di lang kita mahal, inspiration pa kita. :)" Sana lang talaga, bilis bilisan mo na yung pacing mo. Para matupad yung happy ending ko. :3
No comments:
Post a Comment