3 in 1 plus 1= Happy Kaarawan! ~
Hoy, Ronald Hennessy Esguerra,
Happy 19th Birthday! Naks. :) So paano na? Di ka na aalis ah, papasabugin ko sasakyan mo papuntang Laguna para di ka matuloy sa pag-alis, haha, joke lang. Come what may. Alam ko namang dream mo yan e. I'm just here to support you. But seriously, mamimiss kita. Ngayon pa nga lang na ilang weeks palang yung nakakalipas, miss na miss na kita.. What more kaya, kung next sem, di na kita makakasama? :( At sa mga susunod na araw, taon at buwan pa?
Hoy, di ako nagddrama. Nagsasabi lang ng totoo. Sino nalang makakasama ko lagi sa carpark tuwing freecut? Yung isang sabi ko lang na samahan ako, sasamahan ako kahit ano pa yung ginagawa. Sino nalang kasama ko sa pag-iingay at pagtawa sa mga kaklase nating may kakaibang hitsura? Yung tipong kahit may professor sa harap, papalampasin yung discussion, makapagchikahan lang? Sino nalang pipilit sakin na sumali ng Search for Ms. Philo at igagawa pa ko ng fan page as "Queen for all Seasons?" Remember, may coronation pa ngang naganap sa classroom e. :(
Sino nalang mang-aapi sa mga susunod ko pang magiging FRIENDS? Sino nalang makakasama ko sa pagkain ng Cantonese? Kahit nagkaklase, at pinagbabawalan tayong kumain ng prof, pero.. Di tayo pinapagalitan, yung iba lang. Well, magaling tayo e. Di tayo pinapagalitan. Kahit ang ingay ingay natin. :))
Sino nalang makakasama namin ni Zhea sa pang-aapi kay SPG, sa pagpapatugtog ng "Ang susunod na palabas ay Rated SPG" habang nageexam, babasag sa katahimikan ng lahat? Sino nalang kasama at kausap ni Paul Anthony sa napakaraming bagay? Sino nalang kasabay ni Lyka Marie pauwi, baka sino pa humila dyan, nako ka. Di ka ba nakokonsensya? Sino nalang papansin sa skirt ni Meg at sasabihin saking.. "Pansinin mo yung palda ni Meg". Sabay tawa. :))
Sino nalang magpapaalala sakin at kay Zhea sa napakaraming bagay. "Gusto niyo yan, malalandi kayo!". Kahit gaano ka pa ka-harsh magsalita, kahit gaano ka pa kalutong magmura.. Alam ko kung gaano ka-pure ang heart mo. Chos.
Ronald naman e, wag ka munang umalis, please? Di ba magjojoyride pa tayo ni Zhea, next sem? Sabi mo sakin nung una, magstay ka pa, tapos one day, nagulat nalang ako, may letter ka na pala. Ano yun, paasa lang? Ehhh. May four sems pa tayo sa USTe. Wag ka namang mang-iwan sa ere, please? :(
Arte ko lang. Dami ko na namang sinabi. Take note, maikli lang 'to. Sa blog ko nalang ieexpound lahat lahat. "Just keep it inside, learn how to hide your feelings." Drama mo noh, kaya ayaw mo kaming pansinin, kasi maiiyak ka lang? Haha. Aminin mo? :)) And I'm dedicating this blog entry of mine tonight for you. But I'm sorry, kasi feeling ko, di mo na to mababasa pa, nagpalit nako ng url e. Ginagawa niyo kasing 9gag yung page ko, naeexpose tuloy yung private life ko. Privacy naman. Haha, ang dami nang nakakabasa ng mga kaartehan ko sa buhay. Pero against all odds, alam mo kung gaano kita kamahal.. :)
Happy Birthday ulit. I miss you, and I love you. Take care always! >:D< ♥
Love,
Adrienne Magora ♥
No comments:
Post a Comment