Well, isa lang masasabi ko for today, "Inspired Ako". Yes, although am dead tired, I guess, it's still a meaningful and very sacrificial Good Friday for me. Sobrang layo nung nilakad namin for that Good Friday procession, but yea, it's all worth it.
Ayoko nang maging bitter ngayon, (nag-aadapt lang sa napanuod ko earlier, ugh, ang loser ko lang). Last night, nanuod ako ng Unofficially Yours, ngayon naman, Won't Last a Day Without You. Wait lang, di ako broken, or di ako rumerelate sa mga stories ng move line, pero.. NAKARELATE nga ako. Haha. Oh well, may BOOM realization ako. :)) ~ "Kahit nasaktan pa man ako noon, di ko dapat isara yung puso ko sa taong nakalaan para sakin." Matagal tagal narin pala. Oo, matagal na, di ko alam kung alin ang icoconsider ko, yung mahigit 2 months and almost a week kung not being in a relationship, or yung more or less, 3 years kong pagiging in love sa isang tao~ Ugh. Ang gulo. O.o
Tama na yung bitter bitter-ang drama, yung pagkontra kong 'di nag-eexist yung TRUE LOVE, oo na, epal na kung epal. Pero kasi naman, nag-eexist pa ba talaga yun? Late bloomer, haha, "Di ako kukuha ng bato para ipalo lang din sa ulo ko, pag nagtagal". Seryosohan, natatakot na akong masaktan. Pagod na akong masaktan. (Kahit di naman talaga ako yung nasaktan, ako pa nga yung nananakit e. Inatake lang yata ako ng karma, lately) Ehh, nag-aalala din naman kasi ako, baka naman.. Nandyan na pala, di ko lang pinapansin, di ko lang napapansin kasi 'Bitter' nga ako. Pero, okay lang namang maging bitter, if BITTER IS BETTER, good for the heart pa nga e. :))
Relationship is about TWO PEOPLE in love, TWO PEOPLE happily in love with each other, di ko masasabing REAL relationship yun, kapag di nila kayang pasayahin yung isa'ti isa, yung iba yung source of happiness mo, or kung hindi rin naman yung beloved mo ang nakakapagpasaya sa'yo, ehh. Tigilan niyo na yan, naglolokohan lang kayo. ROMANCE is a SLOW DANCE. Meaning to say, you take things the easy yet the hard way. Take it slow, sabi nga nila, "Habang tumatagal, lalong sumasarap." Habang lumalalim yung sugat, dun mo nakikita kung gaano ka kahandang masaktan para sa kanya, habang tumatagal, mas lalong mong nakikita kung siya nga ba talaga ang para sa'yo. Kung tanggap mo na 'hindi siya perpekto, na may mga pagkakamali din siya'. Most importantly, "If you're like seeing yourself happy with the things that makes his/her happy, then.. He/She's the one for you."
Ang daling sabihin, pero sobrang hirap paniwalaan na may ISANG tao palang NAKALAAN para sa atin. Yung taong kaya tayong panindigan, taong kaya tayong tanggapin sa kahit anong paraan, sa kahit anong anyo, sa kahit anong pagkakataon. Kahit gaano ka pa kaitim, o kahit gaano ka pa kataba, o kahit gaano ka pa kaliit. Ang mahalaga, tanggap ka niya, nang BUONG BUO. Walang halong pag-aalinlangan. Walang labis, walang kulang.
Love is a risk, pagsubok lang lahat 'yan. Kahit ilang beses ka pang masaktan, kahit ilang beses ka pang madapa, ang mahalaga, alam mo kung paano bumangon muli. At bakit ka nga ba bumabangon? Kasi, unang una sa lahat, PARA SA SARILI MO RIN NAMAN. Hindi ba? Di naman para sa ibang tao e. Teka, kung ang dahilan mo'y para sa ibang tao, mag-isip isip ka, mali yang desisyon at diskarte mo sa buhay mo. Matuto kang makibagay, wag kang insensitive. Hindi lahat ng bagay, nadadaan sa madaling pakiusapan. For everything takes time. Sabi nga nila, "Good things come to those who wait". "Kapag may tiyaga, may nilaga." Hindi masamang maging SINGLE ngayon, oo nga't FOREVER ALONE KA NGAYON, pero di naman ibig sabihin nun, pangit ka na di ba? Na walang nagkakagusto sa'yo. Na walang taong nakalaan para sa'yo. MALING MALI.
Alam mo kung bakit? Isa lang ang sagot dyan. Busy pa si LORD sa pagsulat ng magandang HAPPY ENDING para sa lovestory mo ng prince charming mo :)) Kumplikado man lahat ng bagay sa ngayon, maghintay man ako ng napaka tagal, basta ang alam ko, "Naghihintay ako, kasi meron akong hinihintay." Ang napakagulong mundo ng pag-ibig, di mo maintindihan, kasi nga, una sa lahat, magulo. Nakakabaliw. Malalaman mo lang ang tunay nitong kahulugan, di mo mararamdaman ang tunay na esensya nito kung hindi mo susubukan. Kaya nga tinawag na relasyon, hindi ba? RELASYON. Di lang para sa iisang tao, kung hindi, PARA SA DALAWANG TAONG NAGMAMAHALAN. MASAYANG NAGMAMALAN.
Pero, payong kaibigan lang din naman.. "Wag mo nang pakawalan." Sa oras na dumating na sa'yong harapan, baka maagaw pa ng iba. Mahirap makakita ng taong PARA sa'yo. :) Yung taong mamahalin at pahahalagahan ka ng tapat. Wag mo nang iwasan at itago yung nararamdaman mo, sa panahon kasi ngayon, di na uso yung torpe sa mga lalaki, at yung pagiging sobrang pihikan naman at masyadong pagpapakipot sa mga babae.
Malay mo.. Yang tao sa harapan mo, SIYA NA PALA "TALAGA". Nagbubulagbulagan ka lang. Ingat ingat lang din, baka masungkit pa ng iba. :))
No comments:
Post a Comment