Ang hirap pala ng ganitong feeling noh, yung ganitong sitwasyon. Yung parehas kayong may "Unfinished Business" sa isa't isa. Yung walang closure, yung feeling na, pagkatapos nang mahabang panahon ng inyong paghihiwalay.. Mahal parin ninyo ang isa't isa. Na kahit i-deny mo pa, halata sa mga ngiti mong mahal na mahal mo parin siya. Yung problemang.. "Nasaan na nga ba ulit ako sakanya? "Eh, siya kaya? Paano kaya kami babalik sa isa't isa, kung ang buong pag-aakala niyo'y tanggap niyo na sa isa't isang MAG-KAIBIGAN NALANG KAYO?" Pero hindi naman talaga.
Naranasan at naramdaman mo na ba yung ganito? Hay, grabe. Ubod ng hirap pala. Saksakan ng gulo rin. Hindi mo alam kung saan ka nga ba magsisimula. Daig pa yung giyera e, giyera sa pagitan ng puso at ng isipan mo. Yung eksenang, kahit gaano na katagal, hindi niyo parin magawang kalimutan yung damdamin niyo para sa isa't isa. Na kahit gaano pa kayo kagaling magtago ng nararamdaman ninyo para sa isa't isa, dahil mahal mo siya, at dahil mahal ka ri niya, nahahalata niyang.. Mahal mo parin siya. (Applicable para sa inyong dalawa)
Oh, ano sa tingin mo? Nagkakahiyaan lang siguro kayo. Litong lito, kung gagano nga ba ang kapangyarihan ng "second chance?" Nakakapraning lang, hindi ba? Yung halos mabaliw ka na, at pagod na pagod ka na sa kaiisip, kung paano mo itatago sakanyang may nararamdaman ka pa para sakanya, yun pala.. Alam naman niya. Kahit di pa niya sabihin, kahit di pa nanggagaling sa mga iyong mga labi, mas nanananig parin yung 'nararamdaman'. Halata naman e. Kahit itago mo pa nang itago, pero paalala lang. Bago mo pa man sabihin, buking ka na. "Action speaks louder than words" nga e.
Bakit? Hindi ka ba naniniwala? Ode kung ayaw mong maniwala, bakit hindi mo subukan. Yung mga prinsipyo kasing pinaniniwalaan mo, minsan, balian mo. Wala naman sigurong masama 'di ba? :) Susubukan mo lang naman, di mo kasi malalaman yung tunay na kasagutan kung hahayaan mo lang na ibang tao yung makaranas nito, yung tipong, aasa ka nalang sa mga sasabihin at kung minsa'y maling mga payo't opinyon nila. Tandaan na, lahat tayo may 'self biases'. Binabase natin sa ating mga pansariling karanasan yung mga ipinapayo natin sa ating mga kaibigan. Pero 'di ibig sabihin nun, parehas na kayo ng tadhana, siguro nga parehas kayo ng problema o pagsubok na pinagdaraanan, pero hindi mo ba naisip na magkaibang tao kayo? Magkaibang indibidwal, may sariling utak at puso.
Hindi naman sa sinasabi kong magmukmok ka dyan at sarilihin mo yung mga problema mo. Di ko rin naman sinasabing pasanin mo yung sarili mong krus. Pero sana, maisip mo rin na, kaya nga tayo may sariling pag-iisip di ba? Ibig sabihin kaya nating solusyunan ang ating mga sariling problema, gamit ang ating mga isip. Kung minsan nga'y, kapag hindi mo na talaga aya, at malapit ka nang sumuko, hihingi ka na ng tulong sa iyong mga mahal sa buhay at sa iyong mga kaibigan. Ngunit sa gayung paraan, nakita mo ba kung paano nagiging mas kumplikado ang mga bagay bagay? Mas lalong gumugulo, dumarami yung mga taong nakikisawsaw sa problema mo. Eh ano? Lahat ba sila kayang solusyunan yung problema mo? Hindi naman di ba? Yung iba kasi diyan, nakikitsismis lang. Wala lang. Nakikisawsaw lang talaga. Hahaha, kaya mag-isip ka muna bago mo ibroadcast sa buong mundo yung pinoproblema mo sa buhay mo. :) Baka mamaya, isang araw, magulat ka nalang, wala ka nga sa isang reality show, pero alam na na buong madla yung buong buhay mo.
Oh, kaya kung ako naman sa'yo, mananahimik nalang ako sa isang sulok. Magdarasal at mag-iisip isip. "Para nga ba kami sa isa't isa, o sadyang naguguluhan lang kami parehas, dahil nga sa may 'unfinished business parin kami sa isa't isa?" Sa palagay mo, kapag nakahanap na ng katarungan at kasagutan para sa nagpupumiglas naming mga puso, matatahimik kami parehas? :o
Oy, ano na ba 'to?
No comments:
Post a Comment